ganito pala kapag inaantok ka na nang sobra.
antok na antok na ko. pero hindi ako pwede matulog. actually, nandito ako sa trabaho. night shift. alam nyo naman, usong-uso ang night shift ngayon. oo, nakiuso naman ako.
oo, nagtatrabaho na ko. pero hindi pa ako nakakagraduate sa college. tumigil lang ako ngayong sem. akala ko kasi, sawa na ko mag-aral. akala ko, gusto ko na talga magtrabaho.
hindi pala.
ang kulit ko kasi. hindi ako marunong maghintay. gusto ko na lagi buhayin ang bukas. sa halip na mag-aral, ang gusto ko ay magtrabaho gaya ng isang college grad.
pero madali lang naman ako nakakuha ng mga trabaho.
pero grabe talaga, antok na antok na ko. alas-quatro na ng madaling-araw. dalawang oras na lang, puputok na ang araw. maaari na akong lumabas sa gusaling ito at salubungin ang pagputok. tapos, uuwi ako sa aming bahay, dederetso sa aking silid at wakas ay matutulog. hindi ako magpapagising sa liwanag.
nakaapagod pala kasi magtrabaho. parang naiisip ko, hindi ito patas. dapat ay ang pag-aaral ko ang pinagpapaguran ko ngayon. hindi ito. pero ito ang pinasok ko eh. tsaka ko na iisipin kung saan ang daan palabas kapag tinatawag na akong muli ni oble. sa totoo nga nyan, namimiss ko na rin ang puwitan niyang noo'y araw-araw tumatambad sa mukha ko.
hay.
sabik na ako sa kanya, kay oble. sabik na ako sa humanities. sabik na ako sa init ng panahon nito at sa mas mainit na pagtanggap ng mga tao rito. sabik na ko sa los baños.
gusto ko na siyang balikan.
para akong ugat ng halamang naghahanap ng tubig sa isang lupang tigang. para akong barkong naghahanap ng isang islang mapagdadaungan. para akong ibong naghahanap ng sangang mapagpapahingahan.
ngunit ang totoo, alam ko na kung saan ang tubig nagbubukal, kung saan naroon ang isla, kung saang dako nakatayo ang mga puno.
ayoko na yatang magpalipas pa ng maraming gabi sa lugar na ito.
gusto ko nang bumalik.
dahil antok na antok na ako. kailangan na ng isipan ko ng pampagising. kailangan ko nang ibangon ang aking diwa. kailangan ko nang muling bigyan ng makabuluhang buhay ang aking kaluluwa.
inaantok an ako. pero kaya ko pa ring maglakbay ngayong gabi.
hintayin mo ako, oble. d'yan ka lang sa los baños.
babalik na ako.
Rav De Castro
expressions
03:50
::SOLILOQUY::
these are
my thOught bubbles.
you can read them;
listen tO my ranting.
Or not.
i do not need yOur senses.
my wOrds find sanctuary in my writing,
as i find sanctuary in my wOven wOrds.
this is me sOlilOquizing,
thrOwing wOrds intO ObliviOn.
intO yOur ObliviOn.
welcOme tO mine.
-the cunninglinguist
_links
credits
blogskins
_the Others
_archives
April 2005
June 2005
June 2006
July 2006
August 2006