4.27.2005

ganito pala kapag inaantok ka na nang sobra.




antok na antok na ko. pero hindi ako pwede matulog. actually, nandito ako sa trabaho. night shift. alam nyo naman, usong-uso ang night shift ngayon. oo, nakiuso naman ako.


oo, nagtatrabaho na ko. pero hindi pa ako nakakagraduate sa college. tumigil lang ako ngayong sem. akala ko kasi, sawa na ko mag-aral. akala ko, gusto ko na talga magtrabaho.


hindi pala.


ang kulit ko kasi. hindi ako marunong maghintay. gusto ko na lagi buhayin ang bukas. sa halip na mag-aral, ang gusto ko ay magtrabaho gaya ng isang college grad.


pero madali lang naman ako nakakuha ng mga trabaho.


pero grabe talaga, antok na antok na ko. alas-quatro na ng madaling-araw. dalawang oras na lang, puputok na ang araw. maaari na akong lumabas sa gusaling ito at salubungin ang pagputok. tapos, uuwi ako sa aming bahay, dederetso sa aking silid at wakas ay matutulog. hindi ako magpapagising sa liwanag.


nakaapagod pala kasi magtrabaho. parang naiisip ko, hindi ito patas. dapat ay ang pag-aaral ko ang pinagpapaguran ko ngayon. hindi ito. pero ito ang pinasok ko eh. tsaka ko na iisipin kung saan ang daan palabas kapag tinatawag na akong muli ni oble. sa totoo nga nyan, namimiss ko na rin ang puwitan niyang noo'y araw-araw tumatambad sa mukha ko.


hay.


sabik na ako sa kanya, kay oble. sabik na ako sa humanities. sabik na ako sa init ng panahon nito at sa mas mainit na pagtanggap ng mga tao rito. sabik na ko sa los baños.


gusto ko na siyang balikan.


para akong ugat ng halamang naghahanap ng tubig sa isang lupang tigang. para akong barkong naghahanap ng isang islang mapagdadaungan. para akong ibong naghahanap ng sangang mapagpapahingahan.


ngunit ang totoo, alam ko na kung saan ang tubig nagbubukal, kung saan naroon ang isla, kung saang dako nakatayo ang mga puno.


ayoko na yatang magpalipas pa ng maraming gabi sa lugar na ito.


gusto ko nang bumalik.


dahil antok na antok na ako. kailangan na ng isipan ko ng pampagising. kailangan ko nang ibangon ang aking diwa. kailangan ko nang muling bigyan ng makabuluhang buhay ang aking kaluluwa.


inaantok an ako. pero kaya ko pa ring maglakbay ngayong gabi.


hintayin mo ako, oble. d'yan ka lang sa los baños.


babalik na ako.

Rav De Castro
expressions

03:50

---++---

Comments:
LB is gonna welcome you big time!

anyway, mahirap nga talaga ang magmadali. mahirap din ang mangulit. mahirap din an antukin (lalo na pag panggabi ka). maraming mahirap sa buhay, totoo yan. pero kung iisipin, may mga bagay na kapag inisip mo o pinansin mo, mawawala lahat ng hirap. this world is a bittersweet whirlpool embracing us with all its glory (or whatever you call it). at any rate, we're here.. and the best thing we can do is make the most out of it. (and well, prove that we deserve to be here!)

--mr. john robert--
www.johnrobertonline.tk

ciao! until then!
 
thanks so much. i am working already somewhere here in alabang. of course, i'll be back in LB. it's the closest thing to heaven anyone can get. haha miss ko na ang LB ng O! cge, hope to see you there.. ;)

PS: i got a problem posting on your tagboard so i left the message here.. ;) another thing, at least sa blog, masaya ang mga buhay-trabaho natin! haha

-mr.johnrobert-
 
ei...take it easy...andito naman kami. we gotcha back...kahit anong mangyai. kahit isuka ka ng mundo, tatanggapin ka namin...haha...dont be worryin too much...you fryin yo brains out! Chill dude! Best Advice? Asa takip ng mayonaisse: CHILL, DON'T FREEZE...i lab yu dude!
 
comment ko...2log ka muna! otei?! hehe...newayz...bata ka pa, andami mo pang pedeng gawin, andami pang pedeng baguhin, andami pang ibalik...kaya yan! saka ok lang yan, through taking risks can we be successful...narinig ko toh somewhere pero naniniwala ako dito!
 
Post a Comment

::SOLILOQUY::

these are
my thOught bubbles.
you can read them;
listen tO my ranting.
Or not.
i do not need yOur senses.
my wOrds find sanctuary in my writing, as i find sanctuary in my wOven wOrds.
this is me sOlilOquizing,
thrOwing wOrds intO ObliviOn.
intO yOur ObliviOn.
welcOme tO mine.
-the cunninglinguist

_links

credits
blogskins

_the Others

_archives

April 2005 June 2005 June 2006 July 2006 August 2006

_frOm yOur ObliviOn tO mine

Cursor by www.Soup-Faerie.Com