7.01.2006

Nakakabobo ang Wisdom Tooth




Sampung minuto bago ang ala-una. Apatnapung minuto bago ang lunch. Masaya sa bago kong trabaho. Maghihintay ka lang ng paglipas ng oras habang nagliliwaliw sa worldwide web. Syempre, kailangan mong makinig sa itinuturo ng trainer mo, pero mas gusto ko ngayong mag-type. Masyadong magulo ang isip ko para matuto ng panibagong computer system.


Pero wala naman talaga yung kinalaman dito eh.


Nabobobo na yata ako.


Nakakabobo ang wisdom tooth eh. At ang wisdom tooth ko, kahit ganoon ang pangalan n'ya, tanga s'ya. Tumubo s'ya pero sa halip na patayo, pahiga. Eh di kailangan ko ng anim na libong piso para ipabunot s'ya! Haaaaaay.


Wala rin yung kinalaman dito. Parang ako, puro simula, puro intro, pero wala namang chorus. Ni wala akong natatapos.


Mas mabilis pa tumakbo ang isip ko kaysa tunog. Ang dami-daming laman ng utak ko ngayon, hindi ko alam kung ano ang uunahin kong hulihin at ikulong sa mga titik at tuldok. Simbilis ng takbo ng buhay kong wala naman talagang destinasyon. Puro stop-over. Puro pa-gasolina. Parang roadtrip. Gusto ko nang bumaba...


Pero malabo, nasa expressway ako at kapag bumaba ako, mapanganib. Kailangan ko pang maghintay ng isang bayan na pwede kong babaan, ung may mapapara akong jeepney o traysikel. Pero may kulang pa rin...


Saan ako pupunta?


Nakakasawa ang roadtrip. Parang fireworks sa Bagong Taon. Pagkalipas ng ilang minuto, tapos na ang saya. Tapos na ang palabas.


Ang mausok na kalangitan na lang ang matitira sa'yo -- madilim, dahil tapos na ang pagsayaw ng mga ilaw. Nakakasawa maging malaya. Gusto kong pagbawalan ng nanay ko na lumabas sa gabi.


Gusto kong palagi niya akong tinatanong kung saan ako pupunta, at magtetext kapag umalis na ako sa bahay. Gusto kong pagalitan n'ya 'ko kapag madaling-araw na ako umuuwi, at parusahan kung tatlong araw akong hindi umuwi sa bahay nang hindi nagpapaalam. Gusto kong itrato n'ya kong parang walong taong gulang na bata. Bata pa lang ako.


Kunyari lang na kinakaya ang buhay sa labas ng bahay. Kunyari hindi na teenager. Kunyari independent. Kunyari.


Pero dapat ko 'tong panindigan. Gusto kong mabuhay na nang mag-isa. Magkaroon ng sarili kong bahay na sa akin lang ang lahat. Walang kaagaw sa banyo. Walang kaagaw sa toothpaste.


Walang ibang mag-iingay. Walang ibang kasama kundi ako at ang aking mga iniisip.


Sa roadtrip na to, nawawala ako. Wala akong destinasyon. Pero dahil sumakit ang wisdom tooth ko, naghahanap ako ng dentista. Pero wala akong mahanap. Nasa gitna ako ng rumaragasang kawalan. Walang saysay ang busina sa kawalan na lumulunod sa akin ngayon.


Masyado ko kasi yatang minadali ang buhay ko. Pati wisdom tooth ko tumutubo agad, nabobobo tuloy ako.

Rav
expressions

01:07

---++---

Comments: Post a Comment

::SOLILOQUY::

these are
my thOught bubbles.
you can read them;
listen tO my ranting.
Or not.
i do not need yOur senses.
my wOrds find sanctuary in my writing, as i find sanctuary in my wOven wOrds.
this is me sOlilOquizing,
thrOwing wOrds intO ObliviOn.
intO yOur ObliviOn.
welcOme tO mine.
-the cunninglinguist

_links

credits
blogskins

_the Others

_archives

April 2005 June 2005 June 2006 July 2006 August 2006

_frOm yOur ObliviOn tO mine

Cursor by www.Soup-Faerie.Com