4.20.2005

Linggo ng Pagkabuhay


ang hirap ng magkalayo tayo ng ganto. nahihirapan tlga ko. hindi dahil sa nasanay na ko na palagi ka kasama, pero dahil ikaw ang kailangan ko sa tabi ko.kaya ko ibigay lahat makasama lang kita ngayon.


gusto ko na magpasukan na para araw araw na tayo mgkakasama.. para hindi na kita mamimiss.. para araw araw na ko masaya. para araw-araw, nakikita kita at gabi-gabi, mapapanood ko ang pagtulog mo.


gusto ko na ring gumraduate pag gradute ka na. para sabay tayo lalabas sa mundo ng elbi. sabay nating iiwan ang lugar kung saan tayo nagtagpo, sabay tayong magmumulat ng mata. sabay nating lilisanin ang lugar kung saan naganap ang imposible. pero alam kong imposible un. dahil ilang taon pa ang gugugulin ko dito... nang mag-isa.


mauuna kang lumabas ng mundo. mauuna kang magmulat ng mata. at sana, anyo ko pa rin ang laging hanap ng paningin mo. dahil marami ka makikilala. at natatakot ako. dahil maraming nakahihigit pa sa akin sa labas ng mundo. at natatakot akong mahigitan nila ako.


pero sigurado ako, ako lang ang magmamahal sayo nang ganito.


pero akala ko rin imposible na makakita ako at magkaroon ng gaya mo.. akala ko imposible na mayroon akong mamahalin nang ganito, at akala ko rin, imposible na may magmamahal sa akin nang ganito.


napakasuwerte ko.dahil sayo.


ikaw ang dahilan ng napakaraming bagay sa buhay ko. dahil doon, ikaw na rin ang dahilan ng aking pagkabuhay.


dahil matagal na kong namatay...


sapagkat ang isang taong walang minamahal at walang nagmamahal ay isang taong walang buhay. humihinga lang. ngunit maging ang kanyang paghinga ay walang dahilan.


salamat sa pagbibigay sa akin ng dahilan. salamat sa pagbuga sa akin ng buhay. dahil sayo, mayroon akong buhay at dahilan upang ipagpatuloy ito.


kahit magkalayo man tayo ngayon, sapat na sa akin ang katotohanang iisang araw ang kumukulay sa ating umaga at iisang langit ang sumusukob sa ating gabi..


kasama kita sa aking pagtulog; naroon ka sa aking mga panaginip. at sa aking paggising, ikaw ang katuparan ng aking mga pangarap.


ikaw ang aking umaga. ikaw ang aking gabi. ikaw ang liwanag sa bukang-liwayway, ikaw ang kapayapaan ng dapit-hapon. ikaw ang amihang nagpapalamig ng aking disyembre, ang habagat na sa aki'y dumidilig kung agosto. ikaw ang hangin ng bawat buwan ng buhay ko.


at sa bawat paghinga ko, umaga man o gabi, bawat isa ay alay ko sayo, mahal ko.

Rav De Castro
expressions

13:47

---++---

Comments:
hmmm...=)
 
Post a Comment

::SOLILOQUY::

these are
my thOught bubbles.
you can read them;
listen tO my ranting.
Or not.
i do not need yOur senses.
my wOrds find sanctuary in my writing, as i find sanctuary in my wOven wOrds.
this is me sOlilOquizing,
thrOwing wOrds intO ObliviOn.
intO yOur ObliviOn.
welcOme tO mine.
-the cunninglinguist

_links

credits
blogskins

_the Others

_archives

April 2005 June 2005 June 2006 July 2006 August 2006

_frOm yOur ObliviOn tO mine

Cursor by www.Soup-Faerie.Com